Scripture Text: Mateo 3:9
Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham.
Mateo 3:9 (ASND)
Sa ating huling pag-aaral ng sulat ni Apostol Mateo, natalakay natin ang pagtuligsa ni Juan na tagabautismo sa mga grupo ng mga Pariseo at Saduceo sa pagpunta nila sa kanya noong siya ay nagpapahayag tungkol sa pagdating ng kaharian ng Diyos at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
Ayon sa ating huling pag-aaral, ipinakita sa atin ni Apostol Mateo na patuloy ang katigasan ng puso ng mga grupo na ito, dahil sa hindi nila patuloy na pagbalik sa katotohanan at kalooban ng Diyos.
Sa patuloy nilang pagtanggi at hindi pagsunod sa mensahe ng tagapagbalita ng Panginoon at ministro ng Panginoong Jesus sa mundong ito, napapatunayan ang kanilang patuloy na pagtuligsa sa katotohanan at mensahe ng Diyos.
Sa ating muling pag-aaral ng sulat ni Apostol Mateo, pag-aralan nating muli ang patuloy na pagtuligsa ng tagapagbalita ng Panginoon sa grupo ng mga Pariseo at Saduceo, at ito ang sinabi ni Juan na tagabautismo – “Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham."
Ang tipanan ng Diyos kay Abraham (Genesis 13:1-3) ang pinanghahawakan ng mga Pariseo at Saduceo o ng mga Judio, na ang mga lahi lamang ni Abraham ang kabilang sa bayan ng Diyos na kanyang ililigtas at bibigyan ng pabor, dahil ito ay ayon sa mga patotoo ng Diyos ayon sa kanyang mga Salita at tipanan sa kanilang ninuno na si Abraham.
Kaya ang bawat Judio, gaya ng mga Pariseo at Saduceo na nabanggit sa talata, ay mayroong pusong nagmamalaki na hindi na nila kailangang magsisi sa kanilang mga kasalanan, dahil sila'y galing sa lahi ni Abraham at hindi sila hahatulan at matuwid sila sa harapan ng Diyos, dahil mga anak o mula sila sa lahi ni Abraham.
Ngunit kung titingnan natin ang katotohanan ayon sa banal na kasulatan, ang tao ay magiging matuwid lamang ayon sa pananampalataya gaya ni Abraham na itinuring na matuwid ng Diyos dahil nagtiwala o nanampalataya siya sa Panginoon, nasusulat – “Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.” At ayon din sa banal na kasulatan, ang mga tinawag at napiling manampalataya sa Panginoong Jesus ay mga anak ni Abraham.
Nasusulat, “Kaya nakabatay ang pangako ng Dios sa pananampalataya, para itoʼy maging biyaya ng Dios at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham – hindi lamang ng mga Judio na sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga hindi Judio na sumasampalataya ring tulad ni Abraham na ama nating lahat. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Dios, si Abraham ang ating ama.“
Mga kapwa ko mananampalataya, ang mensahe ni Juan na tagabautismo ay ang paraan ng Diyos upang ang mga taong kanyang itinalaga ayon sa kanyang yaman na meron sa Panginoong Jesus ay ang mga taong tunay na magiging matuwid sa kanyang harapan, at ito ay biyaya lamang mula sa Panginoong Jesus, ang Cristo, dakilang Tagapagligtas at Anak ng Diyos.
Sa mensahe at pagtuligsa na ito ni Juan na tagabautismo sa Pariseo at Saduceo ay isang babala sa mga taong patuloy na may pusong nagmamatigas sa harapan ng Diyos.
Magbulay
1. Nakikita mo ba ang grasya at pagpapala na mayroon ka dahil sa Panginoong Jesus?
2. Sa katotohanan na ito, itinutulak ka ba nito na mas magpuri ng buong puso, isip at lakas sa Panginoon?
Tandaan
Mga kapatid, sa mensaheng ito ni Apostol Mateo, sa pangangaral ni Juan na tagabautismo patungkol sa pagsisisi at pagdating ng kaharian ng Diyos, ay dinala tayo sa katotohanan. Dumating na ang pag-abot at pagliligtas ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang dakila at banal na Anak, ang Panginoong Jesus, ang Cristo, na mag-aakay at magliligtas sa atin mula sa pagkakasakop sa kamay ng kasalanan. Patuloy natin panghawakan ang katotohanan na ito. tunay nga nag dahil graysa na meron sa kanya, tayo ay matuwid sa harapan ng Diyos.
Basahin
Mateo 3:9, Genesis 12:1-3, 15-6, Roma 4:1-3, 4:16-17, Galacia 15:6, Santiago 2:23
Manalangin
Amang Banal, maraming salamat sa Iyong grasya at awa na ipinagkaloob Mo sa amin, salamat sa Iyong katapatan at pagmamahal. Tunay nga na ang pag-abot Mo sa amin sa pamamagitan ng Iyong Anak, ang Panginoong Jesus, ay isang napakalaking biyaya na maituturing ng bawat anak Mo. Lahat ng papuri ay para lamang sa Iyo. Ito ang aming dalangin, sa pangalan ng Iyong Anak na si Jesus. Amen.
Comments